"Tulala"Ako'y tulala
Sa agos ng tubig
Na aking nakikita
At ako'y namangha sa Dios
Na Siyang lumikha
Di ko man lubos maisip
Kung paano ito ginawa
At kung saan ito nagsimula
Ang tubig na aking nakikita
Kaakit-akit itong tingnan
Kung ika'y lumingon sa kapaligiran
Sapagkat marami pang agos ng tubig
Na iyong matutunghayan
Kaya't huwag ng mag-aalinlangan
Na ito'y pupuntahan
Dahil problema mo'y talagang maiiwan
Sa walang pag-aalinlangan
Kaya't akoy tulala sa tubig na aking nakikita....


